Ang mga halamang damo ay karaniwang tumutubo kahit saan, ngunit ang ibang tao ay hindi alam ang mga benepisyong binibigay nito.
Ano ang Tawa-tawa?
Ang Tawa-tawa ay kilala rin bilang Asthma Plant. Ito ay isang mabalahibong damo na matatagpuan sa damuhan, mga daanan, at maging sa mga tabing daan. Ang siyentipikong pangalan nito ay Euphorbia hirta.
Ang halamang ito ay mayroong mabalahibo, solidong tangkay na maaaring lumaki ng hanggang 24 pulgada ang haba at gumagawa ito ng milky-white latex. Ang mga dahon nito ay may hugis na elliptical. Makikilala mo sila sa pamamagitan ng kanilang mga bulaklak na walang mga talulot at nagkumpol-kumpol
Mga Benepisyo ng Tawa-tawa
Ang tawa-tawa ay isa sa mga pinakalumang halamang gamot upang maibsan ang mga sintomas ng hika. Ang mga katangian ng halamang ito ay nakakatulong upang makapagpahinga ang bronchial system para mabuksan ang mga daanan ng hangin. Ang puting latex nito ay maaaring panggamot sa sugat, paso o pantal, dahil naglalaman ito ng mga antiseptic at anti-inflammatory properties.
Noong 1980, karaniwang ginagamit ang katas ng dahon nito upang maibsan ang epekto ng dengue sa katawan. Ito ay naging lubhang kapaki-pakinabang sa pagtulong sa katawan habang gumaling. Ang mga katangian ng halamang ito ay nakakatulong sa pagsulong sa produksyon ng cellular at maaaring pataasin ang mga platelet.
Dapat ding tandaan na ang pag-inom o paggamit ng tawa-tawa para sa anumang uri ng karamdaman ay hindi inirerekomenda sa mga buntis, o sa mga nagpapasuso dahil maaari itong magdulot ng kakaibang epekto.
0 Comments