Ang anonang ay isang organic at natural na gamot na nakapagpagaling ng sakit. Ito ay matatagpuan sa bohol at kadalasan tumutubo ito sa bukirin sa ibang lugar. Ang balat nito ang siyang ginagawang tsaa. Pwede rin itong gawing pamalit sa kape ng mga taga-bohol. Kung ito ay itatanim, madali lang ito padamihin. Ito ay may anti-inflammatory property na kung saan nakapagpagaling ng iba't ibang sakit. Ang dahon nito ay pwedeng ihalo sa tubig pampaligo sa mga kagagaling lamang sa sakit at habang ang bunga nito ay pwedeng gawing pampadikit sa papel, kaya ito ay dapat pangalagaan upang maraming matulungan sa herbal na pamamaraan.
Ano ang mga benepisyo ng Anonang?- magandang inumin sa mga buntis
- nagpasuso na ina upang pandagdag sa gatas
- lamig o pasma
- ulcer
- sakit sa ulo
- sakit sa ngipin
- pananakit ng tiyan
- hepatitis
- antioxidant sa katawan
- nakapagpagaling ng sugat
- fungal at microbial infection
- nakapagpababa ng blood sugar
- pangpa-detox ng katawan at marami pang iba.
Marami ang mga hindi alam na ang anonang ay isa rin sa mga mabisang gamot sa binat. Ang binat ay isang sakit ng mga kababaihan na bagong kapapanganak pa lamang. Nagkakaroon ng ganitong sakit ang isang babae kapag labis niyang ginagamit ang kanyang katawan sa paglalaba, pagpupuyat, pag-aalsa ng mabibigat at sobrang pag-iisip o stress.
Ito ang mga sintomas ng binat:
1.pagkahilo
2.pagsusuka
3.pagkakaroon ng lagnat
4.walang ganang kumain
5.palaging sumasakit ang ulo
6.masakit ang mga kalamnan
Paano ihanda ang Anonang Tea?
1. Ibabad ang isang tea bag sa loob ng 5 minuto sa isang baso na may mainit na tubig.
2. Itaktak ang tea bag or i-press gamit ang kutsara para lumabas ang katas nito.
3. Inumin tatlong beses sa isang araw, maghintay ng 30 minuto bago kumain.
Paalala pa rin ng mga eksperto sa kalusugan na maaari pa ring magpakonsulta upang hindi lumala ang sintomas at maging dahilan ng komplikasyon.
0 Comments