Ang DUGOSAY NAMOT ay isang napaka-epektibong gamot para sa may kakulangangan sa dugo. Hindi lamang isang sakit nakapagpagamot nito ngunit ito rin ay nakatutulong sa pagpanormal ng regla ng mga babae. Maaari din itong gamot sa sakit sa tiyan, pamamaga ng paa o beri-beri, pagsusuka, panglalamig ng katawan at sakit ng ulo. Ito ay maganda rin sa mga inang kapapanganak pa lamang at nakapagpadagdag ng gatas para sa kanyang sanggol. Ito ay maaaring inumin araw-araw bago kumain at pwedeng ipagpagpatuloy ang pag-inom nito kahit magaling na.  Ito ay kilalang gamot ng mga bisaya o cebuano para sa anemia.

ANO NGA BA ANG ANEMIA?
Ang anemia ay ang kakulangan ng malusog na pulang selula ng dugo sa ating katawan o tinatawag na "red blood cells". Ito ay may taglay na protina na kung saan tinatawag na hemoglobin. Kung mababa ang iyong hemoglobin dahilan ito ng kakulangan ng iron sa iyong selula at posibleng maapektuhan ang mga organs at kalamnan na maging resulta sa pagkakaroon ng malalang sakit.
Sa gayunpaman, kapag ang isang tao ay madaling mapagod posibleng kulang ang kanyang red blood cells sa katawan na siyang isa sa mga sintomas ng anemia. Ang ibang mga sintomas nito ay ang pamumutla, mabilis na tibok ng puso, matamlay, walang ganang kumain, pamumutla sa bahagi ng mga mata, palaging sumasakit ang ulo, nanlalamig ang buong katawan at pagkahilo.Ang hormonal imbalance ng mga babae ay isang dahilan din sa anemia, at minsan makararamdam sila ng sakit sa ulo, irritable at pagkahilo. Minsan ang anemia ay namamana sa mga magulang o ancestor.

ANO ANG IBANG REMEDY UPANG MAIWASAN ITO?
- isama ang mga tamang pagkain sa iyong diet
- uminom ng food supplement
- matulog ng sapat sa oras
- pagsasalin ng dugo sa mga  naaksidente

Ang dugosay namot ay pangunahing lunas lamang at mas makabubuti paring magpakonsulta sa doktor upang matulungang masolusyonan agad  at para maiwasan ang mga komplikasyon kung mayroon pang iniindang karamdaman.