Ang halamang makahiya ay tinatawag din sa scientific term na mimosa pudica. Ito ay parang damong ligaw na kung saan-saan na lamang tumutubo na akala ng iba ay wala itong pakinabang ngunit may taglay pala itong benipisyo sa katawan ng tao. Kakaiba ang mga dahon nito dahil tumitiklop kung hinahawakan o nasagi kaya madalas itong nilalaruan ng mga bata. Ang kakaibang katangian nitong makahiya ay dahil sa thigmonasty o ang pagalaw ng isang halaman ng dahil sa touch stimulus. Hindi dahil nahihiya ang isang halaman sapagkat ito ay kung ginagalaw ang dahon kaya bumabagsak ang tubig na laman nito at kapag bumabalik na ang tubig nito ay bumabalik naman ito sa pagbuka.

Ang makahiya ay may taglay na flavoniodsamino acidsfatty acidsalkaloidstannins at triterpenes. Ang pangunahing aksyon nito ay parang antibiotic na kung saan ang mga impeksyon sa balat ay ginagamitan ng katas ng makahiya. Ang halamang ito ay may anti-inflammatory action na nakakatulong sa pamamaga ng mga kasukasuhan at ibang parte ng katawan, pananakit ng puson o dalaw at sa pagtatae. Ito ay may mapait na lasa kaya nakapagpapigil ito ng ito diarrhea.

Ito ang mga pamamaraan kung ikaw ay may pamamaga:

1. Kumuha ng dahon o ugat ng makahiya.

2. Hugasan muna at gupitin ito ng maliliit na piraso.

3. Dikdikin hanggang sa lumabas ang kataas nito.

4. Itapal sa namamagang bahagi ng katawan.

Ang halamang ito ay pwede ring gawing tsaa dahil sa may taglay itong phytochemical. Makatutulong ito magpalakas ng resistensya at may natural itong aphrodisiac o pampagana sa pagsasama ng mag-asawa.Sapagkat ang paalala ng mga eksperto, ang makahiya tea ay hindi pang-iwas sa nararamdamang sakit ngunit gamitin lang ito kung kinakailangan. 
Kapag mas lumala ang pakiramdam mas mabuting magpakonsulta agad sa doktor para maiwasang lumala.